Living in SHINee World located at EXO Planet. ♥ Kpopper ♥ SHINee ♥ EXO ♥ FanFictions ♥ Poems ♥ Photos
YiXing
Friday 31 August 2012
Saturday 7 July 2012
Pag-ibig
Lagi kang nasa isip
At di maalisalis
Kapag hangi’y umihip
Puso’y naghihinagpis
Ang pag-ibig na wagas
Na sa aki’y taliwas
Mga yakap at halik
Ay di maibabalik
Kaibigan
Dito sa mundo’y
mahirap magisa
Hindi malaman kung
kanino sasama.
Kung sino pa ang
taong malapit sa’yo
Siya pa mismo ang
magbabagsak sa’yo
Maraming taong
nagbabalat kayo
Sa puso’t isip mo’y
di malayo
Sa paglalakbay tungo
sa malayo
Iyong makikita ang
magiging kasundo
Ang tunay na kaibigan
ay hindi ka iiwan
Sa twing may
poblema’y palaging nariyan
Ang palaging kasama
sa lungkot at saya
At nagbibigay lakas
loob twina
INAY
Siya ang taong lubos
kang kilala
Simula pagkabata’y
siya ang kasama
Hindi maalis sa
kanyang mga mata
Ang tuwang kanyang
natamasa
Nang ika’y kanyang
unang nasilayan
Hindi malaman ang
kanyang nadama
Mga mata niya’y puno
ng luha,
Luha na dahila’y ligaya
Sa araw at gabi sa
iyo’y nakatingin
Ang bawat oras ay sa
iyo nakabaling
Siya’y hindi
napapagod sa pag-aaruga
Walang kasing tulad
ang kanyang pagkalinga
Pilit kang minulat sa
tama
At pilit kang inunawa
Lahat ng payo’y sa
iyo ibinigay
Upang sa iyong
paglaki ay maging matagumpay
Bakit Nga Ba??
Bakit may mga taong
pinipilit ang sarili nila
sa isang tao na hindi naman sila gusto?
Bakit may mga tao na
patuloy na nagmamahal
kahit na nasasaktan?
Bakit may mga tao na
hindi matanggap sa sarili nila
na hindi na sila
mahal?
Bakit may mga taong
nagbubulgbulagan
kahit na niloloko
sila ng harapanharapan?
Bakit may mga taong
pinipilit ang isang bagay
na malayo nang
mangyari muli?
Bakit may mga taong
tinitiis ang lahat ng hinagpi
Dahil lang sa lintik na pag-ibig?
Bakit may mga taong
nagpapakamatay
dahil lang iniwan
sila?
Bakit nga ba ganyan
ang tao
pagdating sa
pag-ibig?
Hindi lang naman siya
ang tao na kaibig-ibig.
Marami pa naming iba
na mas higit sa kanya.
Huwag ikulong ang
sarili sa kanya.
Ibaling naman ang
tingin sa iba.
Kabataan
Bakit nga ba may mga kabataan na
maagang nag-aasawa ngayon? Ano nga kaya ang mga dahilan nila kung bakit nila
nagagawa ang mga bagay na iyon? Kahit alam nila na hindi pa iyon ang tamang
oras. Para ba mabawasan ang mga
responsibilidad nila sa buhay? Hindi ba nila naisip na sa kanilang pag-aasawa
ay mas malaki at mas marami silang responsibilidad? May mga kabataan din na
alam naman nila na mali
pero ginagawa pa rin nila.
Ayon sa
aking mga nakikita at nakakasalamuha na may ganoong karanasan ay mas masaya daw
ang buhay may asawa. Hindi nila nararamdaman ang paghihirap dahil sila ay
dumidepende pa rin sa kanilang magulang. Hindi rin nila nagagampanan ang
pagiging magulang dahil ang mga nagaalaga sa kanilang anak ay ang kanilang
lola, magulang o kamaganak. At ang nagbibigay ng panggastos ay ang kanilang mga
magulang.
May mga
dahilan din kung bakit sila nag-aasawa nang maaga. Maaaring hindi na sila
nagaaral, huminto dahil sa kakulangan sa pang martikula. Sa makatuwid ay wala
silang pinagkakaabalahan kaya nila nagawa iyon. Maaari ding sila ay tinatamad
na mag-aral kaya pinili nalang nilang mag-asawa. Maaari ding hindi sila na
papatnubayan ng kanilang mga magulang. Ang isa pang dahilan ngg maagang
pag-aasawa ng isang kabataan ay dahil sa kapusukan ng kanilang mga damdamin
kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi inaasahan.
Kung ikaw
ay isang kabataan at ayaw mong matulad sa iba na maagang nag-aasawa. Alamin mo
muna ang iyong prayoridad bilang isang kabataan. Kailangang maging abala sa
pag-aaral upang hindi makagawa ng mga bagay na hindi maganda at hindi dapat.
Kailangan ding may pangarap ka na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng
magandang trabaho para maging handa sa pag-aasawa. May mga taong maagang
nag-aasawa ngunit maaga ring naghihiwalay. Huwag maging sabik sa pag-aasawa
dahil darating din iyon sa tamang oras.
Ang Aking Nadarama
Nais kong malaman ang nadarama
Kung ito’y isang
pag-ibig na,
Pag-ibig na wala nang
hahanapin pa
At halos lahat ay
nasa akin na.
Di malaman ang
gagawin ‘pag ika’y paparating
At halos di makakilos
pag ika’y napayingin.
Di lubusang maisip na
parang isang baliw
Sa sobrang kaiisip
sa’yo aking giliw
Makita ka lamang
ako’y masaya na
Lalo na’t kung
kakausapin pa.
Kung ika’y kasama,
oras sana’y tumigil na.
At sana’y wala nang
sumingit pa.
Bakit di ka maalis sa
aking isip
Ang nais ko lamang
ako’y matahimik
Bakit di makatiis na
di ka masilip
At pipiliting Makita
kahit isang saglit.
Created: 2007 / senior high school
For: Activity in Filipino Subject
Inspired by: my crush.. LOL!
*In my first year in college, I passed
this in my Filipino subject for our
final project. We made a book with
all of our poems and such last 2008.
Subscribe to:
Posts (Atom)