Siya ang taong lubos
kang kilala
Simula pagkabata’y
siya ang kasama
Hindi maalis sa
kanyang mga mata
Ang tuwang kanyang
natamasa
Nang ika’y kanyang
unang nasilayan
Hindi malaman ang
kanyang nadama
Mga mata niya’y puno
ng luha,
Luha na dahila’y ligaya
Sa araw at gabi sa
iyo’y nakatingin
Ang bawat oras ay sa
iyo nakabaling
Siya’y hindi
napapagod sa pag-aaruga
Walang kasing tulad
ang kanyang pagkalinga
Pilit kang minulat sa
tama
At pilit kang inunawa
Lahat ng payo’y sa
iyo ibinigay
Upang sa iyong
paglaki ay maging matagumpay
No comments:
Post a Comment