YiXing

YiXing
Dimple Boy

Saturday 7 July 2012

Pag-ibig



Lagi kang nasa isip
At di maalisalis
Kapag hangi’y umihip
Puso’y naghihinagpis

Ang pag-ibig na wagas
Na sa aki’y taliwas
Mga yakap at halik
Ay di maibabalik


Kaibigan



Dito sa mundo’y mahirap magisa
Hindi malaman kung kanino sasama.
Kung sino pa ang taong malapit sa’yo
Siya pa mismo ang magbabagsak sa’yo

Maraming taong nagbabalat kayo
Sa puso’t isip mo’y di malayo
Sa paglalakbay tungo sa malayo
Iyong makikita ang magiging kasundo

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka iiwan
Sa twing may poblema’y palaging nariyan
Ang palaging kasama sa lungkot at saya
At nagbibigay lakas loob twina


INAY



Siya ang taong lubos kang kilala
Simula pagkabata’y siya ang kasama
Hindi maalis sa kanyang mga mata
Ang tuwang kanyang natamasa

Nang ika’y kanyang unang nasilayan
Hindi malaman ang kanyang nadama
Mga mata niya’y puno ng luha,
Luha na dahila’y ligaya

Sa araw at gabi sa iyo’y nakatingin
Ang bawat oras ay sa iyo nakabaling
Siya’y hindi napapagod sa pag-aaruga
Walang kasing tulad ang kanyang pagkalinga

Pilit kang minulat sa tama
At pilit kang inunawa
Lahat ng payo’y sa iyo ibinigay
Upang sa iyong paglaki ay maging matagumpay



Bakit Nga Ba??





Bakit may mga taong pinipilit ang sarili nila
 sa isang tao na hindi naman sila gusto?

Bakit may mga tao na patuloy na nagmamahal
kahit na nasasaktan?

Bakit may mga tao na hindi matanggap sa sarili nila
na hindi na sila mahal?

Bakit may mga taong nagbubulgbulagan
kahit na niloloko sila ng harapanharapan?

Bakit may mga taong pinipilit ang isang bagay
na malayo nang mangyari muli?

Bakit may mga taong tinitiis ang lahat ng hinagpi
 Dahil lang sa lintik na pag-ibig?

Bakit may mga taong nagpapakamatay
dahil lang iniwan sila?

Bakit nga ba ganyan ang tao
pagdating sa pag-ibig?

Hindi lang naman siya ang tao na kaibig-ibig.
Marami pa naming iba na mas higit sa kanya.
Huwag ikulong ang sarili sa kanya.
Ibaling naman ang tingin sa iba.




Kabataan



Bakit nga ba may mga kabataan na maagang nag-aasawa ngayon? Ano nga kaya ang mga dahilan nila kung bakit nila nagagawa ang mga bagay na iyon? Kahit alam nila na hindi pa iyon ang tamang oras. Para ba mabawasan ang mga responsibilidad nila sa buhay? Hindi ba nila naisip na sa kanilang pag-aasawa ay mas malaki at mas marami silang responsibilidad? May mga kabataan din na alam naman nila na mali pero ginagawa pa rin nila.

            Ayon sa aking mga nakikita at nakakasalamuha na may ganoong karanasan ay mas masaya daw ang buhay may asawa. Hindi nila nararamdaman ang paghihirap dahil sila ay dumidepende pa rin sa kanilang magulang. Hindi rin nila nagagampanan ang pagiging magulang dahil ang mga nagaalaga sa kanilang anak ay ang kanilang lola, magulang o kamaganak. At ang nagbibigay ng panggastos ay ang kanilang mga magulang.

            May mga dahilan din kung bakit sila nag-aasawa nang maaga. Maaaring hindi na sila nagaaral, huminto dahil sa kakulangan sa pang martikula. Sa makatuwid ay wala silang pinagkakaabalahan kaya nila nagawa iyon. Maaari ding sila ay tinatamad na mag-aral kaya pinili nalang nilang mag-asawa. Maaari ding hindi sila na papatnubayan ng kanilang mga magulang. Ang isa pang dahilan ngg maagang pag-aasawa ng isang kabataan ay dahil sa kapusukan ng kanilang mga damdamin kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi inaasahan.

            Kung ikaw ay isang kabataan at ayaw mong matulad sa iba na maagang nag-aasawa. Alamin mo muna ang iyong prayoridad bilang isang kabataan. Kailangang maging abala sa pag-aaral upang hindi makagawa ng mga bagay na hindi maganda at hindi dapat. Kailangan ding may pangarap ka na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para maging handa sa pag-aasawa. May mga taong maagang nag-aasawa ngunit maaga ring naghihiwalay. Huwag maging sabik sa pag-aasawa dahil darating din iyon sa tamang oras.

Ang Aking Nadarama






Nais kong malaman ang nadarama
Kung ito’y isang pag-ibig na,
Pag-ibig na wala nang hahanapin pa
At halos lahat ay nasa akin na.

Di malaman ang gagawin ‘pag ika’y paparating
At halos di makakilos pag ika’y napayingin.
Di lubusang maisip na parang isang baliw
Sa sobrang kaiisip sa’yo aking giliw

Makita ka lamang ako’y masaya na
Lalo na’t kung kakausapin pa.
Kung ika’y kasama, oras sana’y tumigil na.
At sana’y wala nang sumingit pa.

Bakit di ka maalis sa aking isip
Ang nais ko lamang ako’y matahimik
Bakit di makatiis na di ka masilip
At pipiliting Makita kahit isang saglit.




Created: 2007 / senior high school
For: Activity in Filipino Subject
Inspired by: my crush.. LOL!
*In my first year in college, I passed
this in my Filipino subject for our
final project. We made a book with
all of our poems and such last 2008.