YiXing

YiXing
Dimple Boy

Saturday 7 July 2012

Kabataan



Bakit nga ba may mga kabataan na maagang nag-aasawa ngayon? Ano nga kaya ang mga dahilan nila kung bakit nila nagagawa ang mga bagay na iyon? Kahit alam nila na hindi pa iyon ang tamang oras. Para ba mabawasan ang mga responsibilidad nila sa buhay? Hindi ba nila naisip na sa kanilang pag-aasawa ay mas malaki at mas marami silang responsibilidad? May mga kabataan din na alam naman nila na mali pero ginagawa pa rin nila.

            Ayon sa aking mga nakikita at nakakasalamuha na may ganoong karanasan ay mas masaya daw ang buhay may asawa. Hindi nila nararamdaman ang paghihirap dahil sila ay dumidepende pa rin sa kanilang magulang. Hindi rin nila nagagampanan ang pagiging magulang dahil ang mga nagaalaga sa kanilang anak ay ang kanilang lola, magulang o kamaganak. At ang nagbibigay ng panggastos ay ang kanilang mga magulang.

            May mga dahilan din kung bakit sila nag-aasawa nang maaga. Maaaring hindi na sila nagaaral, huminto dahil sa kakulangan sa pang martikula. Sa makatuwid ay wala silang pinagkakaabalahan kaya nila nagawa iyon. Maaari ding sila ay tinatamad na mag-aral kaya pinili nalang nilang mag-asawa. Maaari ding hindi sila na papatnubayan ng kanilang mga magulang. Ang isa pang dahilan ngg maagang pag-aasawa ng isang kabataan ay dahil sa kapusukan ng kanilang mga damdamin kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi inaasahan.

            Kung ikaw ay isang kabataan at ayaw mong matulad sa iba na maagang nag-aasawa. Alamin mo muna ang iyong prayoridad bilang isang kabataan. Kailangang maging abala sa pag-aaral upang hindi makagawa ng mga bagay na hindi maganda at hindi dapat. Kailangan ding may pangarap ka na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para maging handa sa pag-aasawa. May mga taong maagang nag-aasawa ngunit maaga ring naghihiwalay. Huwag maging sabik sa pag-aasawa dahil darating din iyon sa tamang oras.

No comments:

Post a Comment